Sunday, June 17, 2018

Mga Katangian ni Pangulong Rodrigo Duterte nina: Harold V. Albano at Roland B. Remocaldo

           


                 Ang mga nilalaman nito ay mga iba't ibang katangian ng ating pangulong Rodrigo Duterte, para sa mga pilipino ang pagkakakilala natin sa ating pangulo ay matapang, mabuti at may magandang hangarin. Ang sitwasyon ng ating bansa sa pamumuno ng ating pangulo ay maayos na pagpapatakbo, may magandang plano para sa edukasyon . Kahit na may problema sa karatig bansa dahil sa Maute group ay hindi nya pinababayaan bagkus pina iigi pa ang seguridad. Narito ang mga katangian na meron sya. Matapang dahil kaya nyang ipaglaban ang ating bansa, at dahil sa kanya nagkaroon tayo ng seguridad sapagkat ang mga adik o gumagamit ng droga ay isa isang nawala . Naipatupad din nya ang K-12 Curiculum, sa ayaw o gusto man natin ay kailangan ito ng ating bansa . Patuloy nyang inaayos ang sitwasyon ng mga taga Marawi . Mabuti, sya ay isang halimbawa ng isang mabuting pangulo dahil sya ay responsibilidad sa kanyang tungkulin problema man ito ng mga kanyang nasasakupan o ng buong bansa . Huling katangian may magandang hangarin alam ko hindi ko masasabi na hindi sya katulad ng ibang presidente na namuno sa pilipinas pero nakakasigurado ako na hindi nya papabayaan ang ating bansa sapagkat naniniwala kaming mga kabataan na sya ay isang magandang halimbawa o modelo.
  
           Ang layunin ng blog na ito ay ipaalam sa bansa na meron tayong magandang nagpapapatakbo sa ating bansa sya ay si Pangulo Rodrigo Duterte , sya ang dahilan kung bakit tayo may magandang ekonomiya ngayon. Inaasahan ng mga mambabasang pilipino o awdyens ay ito ay makabuluhan at nagbibigay ng impormasyon sa mga mambabasa, isa pa ay binase namen ito sa mga aming opinyon tungkol sa katangian ng pangulo. Ginamitan ito ng estilong textual at larawan.

1 comment: